
salamat at napadaan ka sa blog ko.
wag ka sanang magsawa sa pagbisita!
sigaw ka lang sa tagboard okey?
mabuhay ka! apir!
surbey lang... ano ba ang pinakamatinong dsl connection?!
sawa na ko kakagatong ng uling sa pc ko eh. hek hek hek!
Hawak Kamay
Yeng Constantino
Minsan madarama mo kay bigat ng problema
Minsan mahihirapan ka at masasabing “di ko makakaya”
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
Chorus
Hawak-kamay
Di kita iiwan sa paglakbay
Dito sa mundong walang katiyakan
Hawak-kamay
Di kita bibitawan sa paglalakbay
Sa mundo ng kawalan
Minsan madarama mo
Ang mundo’y gumuho sa ilalim ng iyong mga paa
At ang agos ng problema’y tinatangay ka
Tumingin ka lang sa langit
Baka sakaling may masumpungan
Di kaya ako’y tawagin
Malalaman mong kahit kailan
(Chorus)
Bridge:
Wag mong sabihin nag-iisa ka
Laging isipin meron kang kasama
Narito ako oh, Narito ako…
(Chorus)
Sa mundo ng kawalan
Hawak-kamay, Hawak-kamay
Sa mundo ng kawalan…
obyus na naging bisi na naman ang lolah nyu. gaya nga ng sabi ni pilosopong ken e tapos na ang maliligayang araw namin at kelangan munang bumalik sa impyernoh! hek hek hek!
new term new tattoo naman ang drama ko! hek hek! hindi ko pa din kaya ang tunay kaya balik hena na lang muna ako. tribal heart desayn na naman ng aking astiging ateh! apir!

para dun sa pakyut (pero ayaw umamin) na nagsend sakin ng teks message na toh...
"we grow old and suddenly we want to hurry things. dont commit when your not ready. dont keep others waiting endlessly. to fulfill your parenting fantasies, get a puppy. dont bring another life into this world for all the wrong reasons. to keep yourself warm, buy a jacket. in the long run it would be less complicated and less costly. take care of yourself. dont wait for someone to take care of you. no one completes you, except you."
eto lang ang masasabi ko...
pers op ol bata pa ko! di pa ko old at di ako nagmamadali. iniisip ko lang naman kung kelan kaya ako magkakaboypren. libre naman mangarap eh! uu aminado naman akong di ako redi at alam naman ng mga umaalialigid yun! pero binibigyan ko sila ng chance. may pagka traidor kasi tong puso ko. kusang tumitibok kahit di ko gusto pero so par e magkasundo naman kami. natuto na din sya atang makinig sakin. kaya sinasabi ko din naman na mauubusan sila ng pasensya sakin kaya ibaling na lang sa iba ang pagtatanging inihahandog nila. siyet lalim! hek hek! yung pantasya kong yun ibinubunton ko di lang kina polgas kundi pati ke sara na aking pamangkin. at wala akong nakitang mali sa naging rason ko. alam ko lahat ng ginawa ko at pinangatawanan ko. di ko na kelangan ng jaket. madali ako pawisan eh! and im also teyking keyr op may selp! ala na nga ako yaya ngaun eh! at oo hindi pa ko complete ngaun! kasi stresstabs ang vitamins ko hindi centrum!
o baka sabihin mo na naman nagagalit na naman ako! di ako galit ah?!! mukha ba kong galit?!!! $#!&@* di naman di ba?!! ang lambing lambing nga ng pagkakatayp ko netoh para sayo eh. hek hek! apir!
ber months na. malapit na ang pasko. ang bilis ng panahon. ilang buwan pa at lalamig na ang klima. hay! sarap ng me kayakap. awa ng dyos, sa malamang at sa hindi si polgas at si kobe ang makakayapos ko sa mga panahong ito. di kaya ako hikain?
magpapasko na naman ako ng hindi nababago ang aking istatus. SINGLE pa din. kelan ba ko magiging dobol?! hek hek hek!
parang timang din ako eh... eto ako ngaun nagtatayp at iniisip kelan ako magkakaboypren. pero sa totoo lang lahat ng lalaking nagtatangkang lumigaw sakin e nagsasawa na lang sa kapilosopohan ko o sa pagiging aning ko. o siguro dahil na din sa masakit na katotohanang hindi ko magawang magtiwala sa ibang tao ngaun lalo na sa lahi ni adan.
paano mo nga naman pagtyatyagaan ang isang tulad ko na sa halos lahat ng katanungang ibinabato sakin e wala akong maisagot na matino. puro pabiro. paano magkakaboyprend ang isang tulad ko na nuknukan sa pagkapilosopo at mapangasar pero mahilig magtampo?! flip e noh?
kung tutuusin mababaw akong klase ng tao. hindi ako naghahanap ng pogi. tama na sa akin ang gwapo. charing! hindi importante sakin ang itsura. basta malinis sa katawan at magaling magdala ayus na. hindi ako naghahanap ng mayaman kasi di naman akong mukhang pera. hindi ko kailangan ng boypren na sikat at kilala kasi tama ng ako na lang ang may pans sa aming dalawa! hek hek hek! juk ulit.
madalas akong tinatanong ng mga kaibigan ko kung sino ba ang ideal man ko. kapag idinescribe ko naman sa kanila sasabihin nila napaka imposible ng hinahanap ko. pero di din. simple lang sha kung tutuusin pero sa mundong ito na pilit pinapakumplikado ng tao ang buhay e napakahirap nyang matagpuan. hay buhay nga naman!
all i ever wanted was to have someone i can call my own. someone who would be perfect for me despite all the imperfections in him. someone who would make me believe and experience the true magic of love... and crave for more.
sana talaga neks taym may cash prize na... hek hek hek hek! kahapon pa ata to. pag tingin ko ngaun ala na eh! hek hek! strike 3 na daw ako kaya awt na! hek hek!

kapag ganitong naguuulan na naman at malamig, hindi ko mapigilan ang bituka kong mag alburoto. salamat na lamang at sa mga nakasingit singit na kung anu anong pagkain sa ref namin e nagagawa kong gumawa ng pagkaing di iisiping galing sa tira tira! wakekeke!
maglagay ng noodles sa plato (natirang yakisoba noodles ni kuya), buhusan ng mainit na sabaw na pinagpakuluan ng buto buto ng babuy (yung parang bulalo pero babuy), lagyan ng hinimay na nilagang manok (tira ng gumawa ng tsiken sandwits si lola) at hiniwang nilagang babuy (tirang sahog ng chopseuy). budburan ng tinustang dinikdik na bawang at hiniwa hiwang sibuyas na mura at presto! meron na akong home made mami! hek hek hek!

galit galit muna tayo ah? tomguts na ko eh! hek hek hek! slurrrp!
hanga na ko sa ate kong aktibo ng magsabog si lord ng katapangan. ampotek nagpatato ba naman. di na yata sya nakuntento sa pa hena hena lang kaya permanente na ang napagtripan at buong likod pa nya! ako ang napapakindat sa sakit habang pinapanood bumaon at umangat ang karayom na ipinantatato sa kanya habang sya e lilingon lingon pa at dedma lang! eto ang finish pradak!

namumula mula pa yan presh na presh! hek hek! nainggit tuloy ako kaya magpapatato din ako. pero hena lang ulit! hek hek. di ko pa kaya yung ganito eh.
nakakasawa na ha. nakakainis! mahirap mapagbintangan at mahusgahan. pati pagkakaibigan babahiran ng malisya para lang magka eksena?!
hindi ko ugaling manglandi ng syota ng iba, mas lalong di ko ugaling tumalo ng katropa. amfufu! kung mababasa lang sana nya. tanginis! di ko nilalandi syota mo nuh! walang namamagitan sa aming dalawa!
kaya kong dedmahin ang pangungutya pero syempre tao din lang ako. kapag sobra na napupuno din naman lalo na kung personalan ang labanan. hindi lahat ng taong "natalisod" minsan sa buhay nila e ginustong lumublob sa putikan. wag kang manlalait ng iba kung may sarili ka rin namang dungis na di mo gugustuhing makalkal at malaman din nila...
saka sa susunod na titira ka, yung harapan naman para may pagkakataon din akong ipagtanggol ang sarili ko.
nabasa ko post ni yukitot sa kanyang blag na naholdup sya nung sang araw. ako po e nakikisimpatya. wak ka magalala yuki, ipapabarang ko sila! wakocoke!
hindi pa ako nakakaranas na naholdup talaga pero may ilang insidenteng muntik na. sabi ng mga pinagkukwentuhan ko, matapang daw ako at maswerte. bakit? kasi pumalag ako eh!
unang nangyari sakin yan nung hayskul ako. sa ust kasi ako nag persyir. kasalukuyan akong naglalakad nun sa may gilid ng iskul along espanya ng may mamang mukhang hudlum na lumapit sakin. nakadyaket at inakbayan ako. yung kamay nyang isa nakapasok sa dyaket at parang may idinidiin sa tagiliran ko. nagsasalita sya sabi nya wag akong papalag. nanlamig ako sa takot sa totoo lang. pero girl iskawt ata to! kelangan alerto. tinabig ko yung kamay nya tapos nilakasan ko boses ko. pero tuloy ako sa lakad. pasalamat na lang akong maliksi ako. nagsasalita ako ng malakas. ang sabi ko lang naman e "ano manong?! bakit mo ako inaakbayan?! kilala ko ba kayo??!" tas siguro hindi sya sanay mangholdup ng bungangera kaya para syang nalilito tapos nung me mga tao ng padating na makakasalubong namin e tumalikod na sya ng lakad. amfufu nanlambot tuhod ko! hindi na ako lumalabas ng iskul nun ng wala akong sundo.
naulit naman yun ng pers yir college ako. ibang insidente naman. 3 mama na ang lumapit sa akin. sabi nga ni basilisk sa liit kong to di ako makakapalag kapag malaki sakin kalaban. pero kahit maliit ako at medyo maliit na rin lang brain cell na natitira sa utak ko e lagi naman silang fully charge! amf kapag nasa labas ako at nataong nasa kalsada na naghihintay ng masasakyan e hawak ko ang tear gas na keychain ko!
so ayun nga. lumapit 3 mama. napanood ko nga ulit to dun sa na iskam ka na ba sa qtv 11 na na feature nila e. nangyari sakin yun. kesyo pulis pulis ekek. totoo yun sisindakin ka tapos yung isang kasama e kakalkalin bag mo. neknek nila! yung bag ko nakasukbit sa balikat ko at hawak ko sa harap ko! kesyo me kamukha daw akong me kaso eber eber. isesearch daw gamit ko. ako pa sisindakin nila! e i sinindak ko din sila. sabi ko "teka tsip hintayin na natin tiyuhin ko. pulis din ho yun e. si major ganito ganyan, (inimbento ko lang yung apelyido di ko na nga maalala e!) may binili lang dyan sa jalibi e. dadaanan ho ako nun."
sindakan ang labanan kaya di ako papatalo. kahit san pa tayo makaabot! hek hek! so pilit pa din sila ng pilit ganito ganyan ganun. inaakbayan pa nga ako e. e gumagawa ako ng eksena. pagkaganito kelangan malakas na boses mo. sakto me palapit na patrol. kitang kita ng maliit kong mata ng sumenyas yung isa sabay eskapo. amfufu! ako pa sisindakin nila! pero syempre manginginig ka pa din kahit papano.
maraming mapagsamantala talaga dito sa maynila kadalasan. kaya dapat lagi kang alerto. wag padadala sa takot. pero di ko din adbays na lumaban o pumalag. syempre iba na kapag may nakatutok na sayo na pwedeng ipangkitil sa buhay mo. pero syempre mabuti ng maging segurista kesa mapahamak ka.
kaya hindi ko nakahiligan ang alahas kahit kelan. lahat ng alahas ko kung di silver yung nauusong fancy na mga beads na tig 20 pesos sa quiapo at divisoria. hindi ko din dinadala yung isa kong selpon kapag alam kong magkokomyut ako. gamit ko yung t630 ng utol ko na kapag pinindot yung shortcut na buton sa gilid e di na nagana keypad! hek hek! tas 2 wallet ko. yung isa ubod ng kapal. dun lahat ng resibo, basura, balot ng kendi, at kung ano pang anik anik! wakeke! para pag hinoldup ako yun na lang bibigay ko. yung isa coin purse. puro tig didyes! hek hek! tapos yung pera ko talaga nasa isang maliit na bulsa sa loob ng bag ko. saka di ako nagdadala ng sobra. pwede ko naman kasi gamitin yung atm ko kung me gusto ako bilhin. yung mga id ko saka importanteng mga card nasa bulsa din sa loob ng bag. medyo tago yun kaya di kita. may isa din yung bulsa sa loob na pwede ko isilid telepono ko. basta wag lang kukunin buong bag ko hokey lang ako! hek hek!
ayan mga ilang tips pang goyo ng mga holdaper! hek hek! kasi iba na panahon ngaun talaga. tumitira sila maski tanghali. aktwali mas pil nila yan. kasi alang magaakala na manghoholdup sila di ba?! kaya maging maingat at laging alerto. mahirap na buhay ngaun kaya madaming kumakapit sa patalim.
pero di din masama na sa paglabas ng bahay natin e humingi ng guidance ni lord kahit ilang segundo lang sa isip natin sambitin na sana ingatan nya tayo di ba? maging safe sana tayong lahat palagi!
ako po ay likas na mabait na bata. magalang at mapagkumbaba. wala po akong hilig sa basag ulo. masakit ata yun noh! ako rin po ang tipo ng taong walang kakulit kulit sa katawan. seryoso po ako sa buhay. yan daw po ang tama sabi ng aking nanay. bakit parang di kayo naniniwala? di ba halata? ::ngiting aso::
ang buhay ko ay di makukumpleto kung walang musika. libangan ko na ang magkulong sa aking kwarto, itodo ang volume ng aking radyo at kumanta o sumayaw sa saliw ng tugtugin nito. talentado po akong tao. pwedeng pang starstrak! hek hek hek!
mahilig akong kumain ngunit di ko alam bakit hindi ako nataba. peyborit ko tsokoleyt at chiken ng kfc. kumakain din po ako ng gulay. di po ako mapili sa pagkain. huwag lang akong hahainan ng ampalaya! kahit itaga mo pa sa bato, hindi ko kakainin ang sinabi ko! (hindi bebenta sa akin ang knorr meaty seasoning! bwahahaha! ::ubo-ubo::)
perstaym ko pong mag blog kaya sana ay suportahan nyo po ako sa pagsabak ko sa masalimuot na mundo ng weblog. lagi nyo po sanang tatandaan... type qtie+tuldok+blogdrive+tuldok+com sa inyong browser address at press enter! tapos nyan e pwede nyo na kalikutin ang mga walang katuturang bagay na nasa blog na to. update ko kayo. pramis! ::kindat:: hek hek!
at dahil wala na akong maisip dahil limitado po ang kapasidad ng aking isip, ako'y magbibitiw na ng aking huling pananalita. ang tanging masasabi ko lang ay... ang tyaga mo pala magbasa! ::close-up smile::
BlogDrive por my blag hosting
ISPBonanza por my internet
PLDT por my landlayn
Prunieee por my template
YouTube por my musika
ToxinOrg por counting my hugs
ExtraJoss my opisyal energi drink
Nescafe my opisyal kopi
BoyBawang my opisyal blogging snak
BoyIsaw my opisyal strit fud store
KuyaLance my opisyal financier
| << November 2009 >> | ||||||
| Sun | Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat |
| 01 | 02 | 03 | 04 | 05 | 06 | 07 |
| 08 | 09 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
| 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
| 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
| 29 | 30 | |||||
kasalukuyang tumutugtog...
[9.2.2006]