
salamat at napadaan ka sa blog ko.
wag ka sanang magsawa sa pagbisita!
sigaw ka lang sa tagboard okey?
mabuhay ka! apir!
sumusulpot muli si pamela sa kanyang blag para mag pagpag ng agiw, magpunas ng alikabok at mag ispray ng baygon dahil madaming lamok! hek hek hek!
mahirap talaga magbisibisihan lalo na kung di ka sanay. nakakapagod mag pretend magaral lalo na kung alawans lang talaga habol mo! hek hek! parang ang tamad tamad e nuh. di naman. islayt lang! hek hek!
matagal tagal din akong di nakakadalaw sa aking blag at di nakakasagot sa panlalait ng mga asungot dyan (tamaan umaray!). kailangan ko po kasing suportahan ang nalalabing brain cells sa aking utak dahil medyo pumapalya na. hek hek! amfufu na yan ang dami dami eksam me projects pah!
ilang araw na lang e birthday na ng aking butihing ina na ngaun pa lang e nagpapahiwatig na ng gusto nyang gip! nilibre ko na sya ng sapatos saka damit at sabi ko gip ko na yun sa kanya. pero gusto nya talagang palitan yung relos nya. sira na kasi. kaya nga binigay ko sa kanya yung free na relos ng nagpamember ako sa wellcom e. tayp naman nya at isinusuot ngaun, yun nga lang nangangati sya kapag pinawisan.
so ng mapadaan ako sa may es em ay tumingin tingin ako ng relos. citizen kasi yung tatak ng relos nina mama nuon pa. dinadayo pa nila yun sa ongpin kasi nga mura. e kaso takot ako pumunta dun magisa. sakto namang may sale sila. 12% off daw. tingin tingin lang ako dapat e. kasi nga nabilhan ko na si mama ng gip. pero ewan ko ba. babae naman yung tindera. bakit naisipan kong bilhin yung relos. hek hek! ngaun ko lang niregaluhan ng mahal talaga ang mama ko. dati kasi bigyan ko lang sya keyk e. pero ngaun malaki talaga nagastos ko. saka alam ko na di pa ko tapos sa ganun. sa bday nya itretreat ko pa sya ng keyk malamang!
aminado akong hirap kong kontrolin ang gastos ko kapag para na sa pamilya ko. nuknukan ako ng kuripot pero kapag ganitong okasyon na may bertdey o kaya e pasko, halos maubos ang ipon ko. wala pa akong permanenteng trabaho para magpakagalante sabi nga nila pero ewan ko ba. ni katiting na panghihinayang sa pera ala akong naramdaman. kahit madoble doble ang regalo ko sa kanila.
para sa mga nakakabasa... hindi po ako nagpapautang nililinaw ko lang! malas yan negosyo! hek hek! juk! ala ako masulat kaya yan na lang muna.
legal naman ang koneksyon namin. nagbabayad naman kami ng sakto at nasa oras. mas maaga pa nga minsan e! pagpapapalit lang ng service entrance wire kailangan ka pang tarayan?! amfufu!
nagkakaproblema kasi kami sa kuryente namin kaya pinapuntahan namin sa tauhan ng meralco para macheck ang linya. ginupit gupit lang yung wire tapos sabi yun nga, magrequest kami na papalitan yung service entrance wire kasi masyado ng luma at baka magkasunog pa. sa tanda ng bahay na to nina ama madali itong ma aabo kung masusunog. gawa kasi sa kahoy.
so ang pamela e nilakad naman agad sa meralco branch dito ang kinakailangan. amfufu di daw sila ang gumagawa nun sabi nung babaeng ubod ng sungit dun sa meralco caloocan branch. di ko naman sinabing sya gagawa e! iproprocess lang naman nya request ko! efal na yun! kulang na lang isampal ko sa kanya yung bill namin e. ang laki laki ng binabayaran tapos ganung serbisyo ibibigay sayo. hindi naman kami nambabalasubas noh! laging on time bayad namin! saka ala ba silang concern kung pagmulan ng sunog yun?!
pasalamat sya at nakasimba ako kaninang umaga sa quiapo. kahit papano e pinilit kong wag makagawa ng kasalanan. hay sori po lord! siguro nga apektado lang sya dun sa balitang magrerefund ang meralco. hek hek hek!
inpeyrnes napagalaman ko na pwedeng di rin pala libre yung pagpapalit ng ganun. ewan ko ba e wire lang naman yun pero isusurvey pa daw at baka may kailangan pa kaming bayaran. hay buhay! ang dami mo talagang matatamasang benepisyo sa bansang ito!
kapag akoy bagong gising at gutom at walang nakahaing pagkain kung saan saan naglalakbay ang aking gunita. kung anu ano ang aking naiisip. mga katanungang minsan sa akin ay nagiging palaisipan. ikaw kaya. ano sa palagay mo ang isasagot mo sa mga tanong na babanggitin ko. ito yung mga tanong na nagpapaisip sa akin ng ubod ng lalim kung sakaling ang mga nabanggit na choices lamang ang pwedeng pagpilian.
sakit sa ulo kung papatulan e noh? hek hek! kaya sabi ko na bawal akong magutom eh!
badtrip! sakit ng lalamunan ko! huhuhu! tas kagabi pa ko kahol ng kahol. aktwali nung sang araw pa. amfufu! sakit na ng dibdib ko. sabi na e! sama sakin ang "kanser istik" (ibig sabihin yosi sa bokabolaryo ni bokalz jed)
amfufu tong palawit sa selpon na binigay sakin ni syoti. masyado palang iskandaloso! kumikutikutitap sa tuwing me darating na message. sa tinagal tagal ko na ding pag seselpon ngaun lang ako nagkaron ng ganito. aktwali buy one teyk one kasi. tas yung isa binigay ni syoti sa syota nya. tas yung isa akin na daw. kafal pa nga ng mukha nun kasi papabayad pa! amf! dagukan ko nga! hek hek hek!
since napaguusapan na din ang selpon, may kaechosan na naman akong pinasok. wakekeke! klik mo lang >> ito << para makita mo ang bago kong kinaaadikan! hek hek! kasalukuyan akong nag dodownload ng nokia theme maker kaso 72 mb! para sa kompyuter kong de uling na tumatakbo via dsl (dial sa landline) e aabutin ako ng siyam siyam para makumpleto to. kaya pagtyagaan na lang po sana ang aking nakayanan gawin habang ala pa ko nun.
heka akoy magaayus na at me klase pa ko. amfufu bakit ba sa umaga lalong masakit ang lalamunan! parang me buhangin tas me mga talangkang gumagapang! huhuhu! amfufung buhay to!
people think they know me. but how can they when im barely getting to know "me"? for the first time im living life for me not for anybody. sorry if thats hell for you. id rather be hated for who i am than be loved for who i am not.
life is full of struggles but its not about waiting for d storm to pass. its about learning to dance in d rain. ive learned that it only takes a moment for everything to change. we learn, we live, we move on... regrets only allow us to dwell on the past. yeah "past is past" but sumtimes our pasts tends to bite us in d ass when least expected so be ready.
people have perceptions of me. get to know me first before u judge me. you never know... u might just love me. for those of u who dont, then just envy me from afar. haha!
im a firm believer that everything happens for a reason. if your not willing to risk it all then u dont want it bad enuf. and as i usually say, if u cant handle me at my worst, u dont deserve me at my best.
this duo is such an awfull combination for me.
lots of f*ckin sh*t happen...
this entry dedicated to d blogger who wields his pen.
(sabi sau di bagay sakin mag ingles eh! amfufu ka talaga! hek hek hek!)
kanina nag istarbaks kami ng klasmeyt/tropa ko na sina yuritot at aris. amf napasama ako sa mga sunog baga! ang masaya dun me yosi sila pero walang lighter! sabagay istayl kasi nila yun lalo na kung me magandang tsiks na tumutungga ng kape at nagyoyosi din sa istarbaks. syempre hihiram sila sabay pakyut. madalas tablado lang pero ewan ko ba kung bakit kapag si pareng yuri ang kumana me kasunod na nangyayari! wakekeke! iba na talaga nagagawa ng dimpols uu.
at dahil wala silang lighter, at wala din naman nakatambay sa istarbaks kanina kaya ala sila mahiraman, inutusan ako ng mga mokong. as in utos ah! alang pakiusap. ang gegentleman nuh?! at since libre naman daw ang oatmeal cookie ko eh nagpauto na din ako. makakatipid din ako ng almost 40 pesos nun e! hek hek!
so punta ko ng 7-11 at ibinili sila ng lighter. pagbalik ko napakahusay! mukha na silang mga pugon na bumubuga ng usok. amfufu me seksing nagyoyosi dun sa kabilang table. magaling! buti na lang at andun na din ang pinaorder kong cafe mocha at yung libre nilang cookie sakin. shempre otistik mode na si yuritot nun. bumabangka na ke miss seksi. amfufu! fine arts daw course nya! kahapon nga masscom e! amfufu! depende kasi sa course ng babaeng kausap nya course nya e! hek hek! pero inpeyrnes epektib. natapos ang lunch break namin na may bago na naman syang ka teksmeyt! apir!
paguwi ko shempre kinalikot ko bulsa ng bag ko. dun ko kasi nilalagay madalas yung mga sukling pera ko. andun din yung lighter na binili ko. inpeyrnes, last yr tumigil na ko magyosi pero pagbukas ng drawer ko tumambad sa akin ang mga lighter na nakolekta ko ng nagyoyosi pa ko. bukod pa dyan yung may 3 piraso na naarbor sakin ng mga katropa ko saka yung 2 pa na sosyalin ang dating na kinuha ng kuya ko at ng ate ko at yung isang green flame na ninenok ng utol ko.
halo halo na yan. sa pagkakatanda ko yung may umiilaw na star kapag binuksan e galing lighters galore ung isang bakal pa sa taas galing sa penshoppe, yung blue sa baba galing bench, yung iba criket na nabili ko sa kung saan at yung puti sa baba naharbat ko sa katropa ko. ituloy ko na din kaya pangongolekta ko ng lighter?! hek hek!

Learn to CARE
Learn to SMILE
Learn to CRY
Learn to GIVE
Learn to FORGIVE
Learn to SHARE
Learn to TRUST
Learn to LOVE
and most important of them all
Learn to ADMIT...
na CUTE AKO!
bawal slow learner! ang kumontra panget! wakocoke! pis! apir!
as per request ni yukitot. eto lang yung piktyurs na nasa cam ko e. yung mga bago na ke ate pa. post ko na lang neks taym.
presenting ang aming munting prinsesitang si sara na kyut na kyut manang mana sa titang maganda! ang kumontra magkakapigsa sa ulo tas magiging poknat! wakocoke!
|
|
sa ngayon nasa amin ang 2 kong pamangkin. bali anak ng pinsan ko yun na nagbabakasyon dito galing ng amerika. syempre medyo namulat sa kultura ng kano kaya naisip ko na alamin kung kahit papano ba e natuto sila ng magandang asal.
kaya kaninang breakfast binigyan ko sila ng tig isang baso ng gatas sabay tanong. "o what will you say?"
kinuha ng 2 bata yung gatas nila sabay taas ng baso at sabing "tagay tita!"
amfufu! dagukan ko sana kaso bata eh!
matagal ko na itong nabasa. kung hindi sa kung kaninong blag e malamang sa bulletin board sa prenster. pero itong kopyang ito sinend sa akin sa email ng isa kong prend.
mapapaisip ka nga kapag nabasa mo. may sense. pinilit kong sagutin ang mga katanungan. hindi ko alam kung tama o mali pero alam ko na ito yung na pi pil kong isagot, kaya alang pakialamanan ha?! baka matulad ka sa buwan! wakekeke!
sino ba ang mas mahalaga? ang taong mahal mo
O ang taong gusto mong mahalin?
pareho. kasi hindi ko sya magiging mahal at da beri pers pleys kung di ko sya ginustong mahalin.
ang taong kasama mo buong araw
O ang taong iniisip mo bago matapos ang araw?
ang taong iniisip ko bago matapos ang araw... kasi at d end of d day pagod na ko di ba? napaka espesyal naman nya para isipin ko pa sya. abah! baka mamaya malaki ang pagkakautang sakin nun e! mahalagang masingil ko yun!!!
siya bang kasakasama mo sa lahat ng ginagawa mo
O siyang dahilan ng lahat ng galaw at ginagawa mo?
depende kung positibo pa ba yung galaw at ginagawa ko. kung nakakagawa na ako ng mali dahil sa kanya, di yata tama yun di ba?
sino ba ang mas mahalaga?
yung taong nais mong makasama habang buhay
O ung taong hindi mo makita ang habang buhay kapag wala cya?
pareho. kasi di ko makikita ang habang buhay kung di ko din lang makakasama yung taong gusto kong makasama habambuhay! gets?! hek hek!?
sino ang mas matimbang?
yung taong pag kasama mo'y parang kay bilis ng oras
O ung taong tuwing iniicp mo'y parang kay bagal ng oras?
yung taong kasama ko. kasi mas gugustuhin kong makasama ng personal yung tao kesa iniisip ko lang.
ano ang susundin mo?
ang dinidikta mo sa puso mo
O ang dinidikta ng puso mo syo?
isip ko lang ang dinidiktahan ko. hindi puso. susundin ko ang idinidikta ng puso ko kung sa pagkakataong iyon e yun ang palagay kong tama. pero kung mali man, haharapin ko pa din ang kahihinatnan. kasi yun ang pinili ko.
siya ba un laging pumapasok sa isip mo
O cya un laging laman ng panaginip mo?
yung laging pumapasok sa isip ko. atleast gising ako nun. e kung sa panaginip bangungutin ako kapag pumasok sya! bah! bata pa ko para mamayapa nuh!
sino nga ba...? ang taong nagpaluha syo,
O ang taong nagpunas sa minsang pagluha mo?
wala. hindi naman katiyakan na kapag pinunasan nya ang luha ko e hindi nya ako paiiyakin.
sino sa kanila...? ang taong nagpapatawa syo
O ang taong dahilan ng lahat ng iyong emosyon?
ang taong dahilan ng lahat ng aking emosyon. wala naman kasing perpektong partner kasi nga walang perpektong tao. but a relationship becomes perfect when you learn to accept the imperfections that comes with it...
at sa madaling salita, ang ibig kong sabihin ay...
mabuhay ako! hek hek hek! apir!
ako po ay likas na mabait na bata. magalang at mapagkumbaba. wala po akong hilig sa basag ulo. masakit ata yun noh! ako rin po ang tipo ng taong walang kakulit kulit sa katawan. seryoso po ako sa buhay. yan daw po ang tama sabi ng aking nanay. bakit parang di kayo naniniwala? di ba halata? ::ngiting aso::
ang buhay ko ay di makukumpleto kung walang musika. libangan ko na ang magkulong sa aking kwarto, itodo ang volume ng aking radyo at kumanta o sumayaw sa saliw ng tugtugin nito. talentado po akong tao. pwedeng pang starstrak! hek hek hek!
mahilig akong kumain ngunit di ko alam bakit hindi ako nataba. peyborit ko tsokoleyt at chiken ng kfc. kumakain din po ako ng gulay. di po ako mapili sa pagkain. huwag lang akong hahainan ng ampalaya! kahit itaga mo pa sa bato, hindi ko kakainin ang sinabi ko! (hindi bebenta sa akin ang knorr meaty seasoning! bwahahaha! ::ubo-ubo::)
perstaym ko pong mag blog kaya sana ay suportahan nyo po ako sa pagsabak ko sa masalimuot na mundo ng weblog. lagi nyo po sanang tatandaan... type qtie+tuldok+blogdrive+tuldok+com sa inyong browser address at press enter! tapos nyan e pwede nyo na kalikutin ang mga walang katuturang bagay na nasa blog na to. update ko kayo. pramis! ::kindat:: hek hek!
at dahil wala na akong maisip dahil limitado po ang kapasidad ng aking isip, ako'y magbibitiw na ng aking huling pananalita. ang tanging masasabi ko lang ay... ang tyaga mo pala magbasa! ::close-up smile::
BlogDrive por my blag hosting
ISPBonanza por my internet
PLDT por my landlayn
Prunieee por my template
YouTube por my musika
ToxinOrg por counting my hugs
ExtraJoss my opisyal energi drink
Nescafe my opisyal kopi
BoyBawang my opisyal blogging snak
BoyIsaw my opisyal strit fud store
KuyaLance my opisyal financier
| << November 2009 >> | ||||||
| Sun | Mon | Tue | Wed | Thu | Fri | Sat |
| 01 | 02 | 03 | 04 | 05 | 06 | 07 |
| 08 | 09 | 10 | 11 | 12 | 13 | 14 |
| 15 | 16 | 17 | 18 | 19 | 20 | 21 |
| 22 | 23 | 24 | 25 | 26 | 27 | 28 |
| 29 | 30 | |||||
kasalukuyang tumutugtog...
[9.2.2006]