nabasa ko post ni yukitot sa kanyang blag na naholdup sya nung sang araw. ako po e nakikisimpatya. wak ka magalala yuki, ipapabarang ko sila! wakocoke!
hindi pa ako nakakaranas na naholdup talaga pero may ilang insidenteng muntik na. sabi ng mga pinagkukwentuhan ko, matapang daw ako at maswerte. bakit? kasi pumalag ako eh!
unang nangyari sakin yan nung hayskul ako. sa ust kasi ako nag persyir. kasalukuyan akong naglalakad nun sa may gilid ng iskul along espanya ng may mamang mukhang hudlum na lumapit sakin. nakadyaket at inakbayan ako. yung kamay nyang isa nakapasok sa dyaket at parang may idinidiin sa tagiliran ko. nagsasalita sya sabi nya wag akong papalag. nanlamig ako sa takot sa totoo lang. pero girl iskawt ata to! kelangan alerto. tinabig ko yung kamay nya tapos nilakasan ko boses ko. pero tuloy ako sa lakad. pasalamat na lang akong maliksi ako. nagsasalita ako ng malakas. ang sabi ko lang naman e "ano manong?! bakit mo ako inaakbayan?! kilala ko ba kayo??!" tas siguro hindi sya sanay mangholdup ng bungangera kaya para syang nalilito tapos nung me mga tao ng padating na makakasalubong namin e tumalikod na sya ng lakad. amfufu nanlambot tuhod ko! hindi na ako lumalabas ng iskul nun ng wala akong sundo.
naulit naman yun ng pers yir college ako. ibang insidente naman. 3 mama na ang lumapit sa akin. sabi nga ni basilisk sa liit kong to di ako makakapalag kapag malaki sakin kalaban. pero kahit maliit ako at medyo maliit na rin lang brain cell na natitira sa utak ko e lagi naman silang fully charge! amf kapag nasa labas ako at nataong nasa kalsada na naghihintay ng masasakyan e hawak ko ang tear gas na keychain ko!
so ayun nga. lumapit 3 mama. napanood ko nga ulit to dun sa na iskam ka na ba sa qtv 11 na na feature nila e. nangyari sakin yun. kesyo pulis pulis ekek. totoo yun sisindakin ka tapos yung isang kasama e kakalkalin bag mo. neknek nila! yung bag ko nakasukbit sa balikat ko at hawak ko sa harap ko! kesyo me kamukha daw akong me kaso eber eber. isesearch daw gamit ko. ako pa sisindakin nila! e i sinindak ko din sila. sabi ko "teka tsip hintayin na natin tiyuhin ko. pulis din ho yun e. si major ganito ganyan, (inimbento ko lang yung apelyido di ko na nga maalala e!) may binili lang dyan sa jalibi e. dadaanan ho ako nun."
sindakan ang labanan kaya di ako papatalo. kahit san pa tayo makaabot! hek hek! so pilit pa din sila ng pilit ganito ganyan ganun. inaakbayan pa nga ako e. e gumagawa ako ng eksena. pagkaganito kelangan malakas na boses mo. sakto me palapit na patrol. kitang kita ng maliit kong mata ng sumenyas yung isa sabay eskapo. amfufu! ako pa sisindakin nila! pero syempre manginginig ka pa din kahit papano.
maraming mapagsamantala talaga dito sa maynila kadalasan. kaya dapat lagi kang alerto. wag padadala sa takot. pero di ko din adbays na lumaban o pumalag. syempre iba na kapag may nakatutok na sayo na pwedeng ipangkitil sa buhay mo. pero syempre mabuti ng maging segurista kesa mapahamak ka.
kaya hindi ko nakahiligan ang alahas kahit kelan. lahat ng alahas ko kung di silver yung nauusong fancy na mga beads na tig 20 pesos sa quiapo at divisoria. hindi ko din dinadala yung isa kong selpon kapag alam kong magkokomyut ako. gamit ko yung t630 ng utol ko na kapag pinindot yung shortcut na buton sa gilid e di na nagana keypad! hek hek! tas 2 wallet ko. yung isa ubod ng kapal. dun lahat ng resibo, basura, balot ng kendi, at kung ano pang anik anik! wakeke! para pag hinoldup ako yun na lang bibigay ko. yung isa coin purse. puro tig didyes! hek hek! tapos yung pera ko talaga nasa isang maliit na bulsa sa loob ng bag ko. saka di ako nagdadala ng sobra. pwede ko naman kasi gamitin yung atm ko kung me gusto ako bilhin. yung mga id ko saka importanteng mga card nasa bulsa din sa loob ng bag. medyo tago yun kaya di kita. may isa din yung bulsa sa loob na pwede ko isilid telepono ko. basta wag lang kukunin buong bag ko hokey lang ako! hek hek!
ayan mga ilang tips pang goyo ng mga holdaper! hek hek! kasi iba na panahon ngaun talaga. tumitira sila maski tanghali. aktwali mas pil nila yan. kasi alang magaakala na manghoholdup sila di ba?! kaya maging maingat at laging alerto. mahirap na buhay ngaun kaya madaming kumakapit sa patalim.
pero di din masama na sa paglabas ng bahay natin e humingi ng guidance ni lord kahit ilang segundo lang sa isip natin sambitin na sana ingatan nya tayo di ba? maging safe sana tayong lahat palagi!