CHOW

9.4.2006



kapag ganitong naguuulan na naman at malamig, hindi ko mapigilan ang bituka kong mag alburoto. salamat na lamang at sa mga nakasingit singit na kung anu anong pagkain sa ref namin e nagagawa kong gumawa ng pagkaing di iisiping galing sa tira tira! wakekeke!

maglagay ng noodles sa plato (natirang yakisoba noodles ni kuya), buhusan ng mainit na sabaw na pinagpakuluan ng buto buto ng babuy (yung parang bulalo pero babuy), lagyan ng hinimay na nilagang manok (tira ng gumawa ng tsiken sandwits si lola) at hiniwang nilagang babuy (tirang sahog ng chopseuy). budburan ng tinustang dinikdik na bawang at hiniwa hiwang sibuyas na mura at presto! meron na akong home made mami! hek hek hek!

galit galit muna tayo ah? tomguts na ko eh! hek hek hek! slurrrp!

  may 0 sigaw

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments