BER NA NAMAN

9.5.2006



ber months na. malapit na ang pasko. ang bilis ng panahon. ilang buwan pa at lalamig na ang klima. hay! sarap ng me kayakap. awa ng dyos, sa malamang at sa hindi si polgas at si kobe ang makakayapos ko sa mga panahong ito. di kaya ako hikain?

magpapasko na naman ako ng hindi nababago ang aking istatus. SINGLE pa din. kelan ba ko magiging dobol?! hek hek hek!

parang timang din ako eh... eto ako ngaun nagtatayp at iniisip kelan ako magkakaboypren. pero sa totoo lang lahat ng lalaking nagtatangkang lumigaw sakin e nagsasawa na lang sa kapilosopohan ko o sa pagiging aning ko. o siguro dahil na din sa masakit na katotohanang hindi ko magawang magtiwala sa ibang tao ngaun lalo na sa lahi ni adan.

paano mo nga naman pagtyatyagaan ang isang tulad ko na sa halos lahat ng katanungang ibinabato sakin e wala akong maisagot na matino. puro pabiro. paano magkakaboyprend ang isang tulad ko na nuknukan sa pagkapilosopo at mapangasar pero mahilig magtampo?! flip e noh?

kung tutuusin mababaw akong klase ng tao. hindi ako naghahanap ng pogi. tama na sa akin ang gwapo. charing! hindi importante sakin ang itsura. basta malinis sa katawan at magaling magdala ayus na. hindi ako naghahanap ng mayaman kasi di naman akong mukhang pera. hindi ko kailangan ng boypren na sikat at kilala kasi tama ng ako na lang ang may pans sa aming dalawa! hek hek hek! juk ulit.

madalas akong tinatanong ng mga kaibigan ko kung sino ba ang ideal man ko. kapag idinescribe ko naman sa kanila sasabihin nila napaka imposible ng hinahanap ko. pero di din. simple lang sha kung tutuusin pero sa mundong ito na pilit pinapakumplikado ng tao ang buhay e napakahirap nyang matagpuan. hay buhay nga naman!

all i ever wanted was to have someone i can call my own. someone who would be perfect for me despite all the imperfections in him. someone who would make me believe and experience the true magic of love... and crave for more.

  may 1 sigaw

basilisk
September 6, 2006   01:00 AM PDT
 
basilisk... dumadaan sa blog ni pam.... sumisipol.. he he he.....

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments